Kalabuso ngayon ang isang 31 anyos na padre de pamilya na taga P-1 Brgy. San Felipe, Basud, Camarines Norte dahil sa kasong estafa,
Kinilala ni Police Chief Inspector Andy Rosero, Acting Chief of Police ng Vinzons PNP ang suspek na si Ramon Villaluna y Meneses.
Si Villaluna ay may warrant of arrest mula sa RTC Br. 39, Daet, Camarines Norte sa pamamagitan ni Hon. Judge Winston Racoma kaugnay sa nasabing kaso ,dated August 14, 2015 na may criminal case no. 16898 and 16899 na may 26,000.00 pesos bail recommended para sa unang kaso at 60,000.00 pesos bail recommended para sa pangalawang kaso ng ngayon ay nasa kostudiya ng Vinzons PNP para sa kaukulang disposisyon.
Naaresto ang suspek bandang alas 7:30 ng umaga kamakalawa sa P-7 Brgy. Guinacutan, Vinzons ng pinagsanib pwersa ng Vinzons PNP at Basud PNP.
No comments:
Post a Comment