Sa kabila ng malakas na
pagbuhos ng ulan kahapon sa pagsisimula ng pagdiriwang ng 17th
Busig-on Festival at 215 Foundation Anniversary ng bayan ng Labo, Camarines
Norte, bumuhos parin ang mga laboeño sumama sa isinagawang parade kung saan
binagtas nito ang kahabaan ng National Highway patungo sa Labo Sport Complex
bilang bahagi ng pagsisimula ng selebrasyon.
Bandang alas 8:00 kahapon
ng umaga ng umusad ang nasabing parade na pinangunahan nina Mayor Joseph V.
Ascutia at Vice Mayor Severino H. Francisco Jr. na tumagal ng halos sa mahigit
isang oras na nilahukan ng ibat ibang organisasyon, NGO’s, Paaralan, National
Agencies, Barangays, LGU-Employees at iba pang indibidwal.
Ayon kay Vice Mayor
Severino H. Francisco Jr, ito na umano ang pinakamahabang parade sa kasaysayan
ng pagdiriwang ng Busig-on Festival sa bayan ng Labo, Camarines Norte sa kabila
ng malakas ng ulan ay hindi inalintana ng mga laboeños.
Dahil dito, lubos ang
pasasalamat nina Mayor Ascutia at Vice Mayor Francisco sa kanilang mga
kababayan sa pagsuporta sa pagdiriwang ng 17th Busig-on Festival.
Bago ang nasabing parada,
isang banal na misa ang isinagawa sa St. John the Apostle and Evangelist Church
na sinundan ng Flag Raising Ceremony na ginawa sa baba ng Munisipyo ng nasabing
bayan na dinaluhan ng mga opisyal ng bayan at mga mamamayan.
Ang nasabing pagdiriwang
ay magtatapos sa Setyembre 8, 2015 kung saan tampok sa huling bahagi ng
pagdiriwang ay ang Barangay Night na dadaluhan naman ng 52 na barangay ng bayan
ng Labo bilang pasasalamat sa mga ito sa patuloy na pagsuporta sa tuwing may
okasyon ang Labo, Camarines Norte.
No comments:
Post a Comment