Arestado ang isang 40 anyos na taga P-2 Brgy. Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte ng mga operatiba ng Labo PNP dahil sa kasong kinakaharap nito sa batas.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Roderick Mago y Velante, 40 anyos na nahaharap sa apat na kasong libelo na isinampa ng kampo nina Mayor Joseph V. Ascutia.
Una rito, isang warrant of arrest ang ipinalabas ng korte sa pamamagitan ni Hon. Roberto Escaro, Acting Presiding Judge ng RTC Br. 64, Labo, Camarines Norte noong July 22, 2015 kaugnay sa apat na kasong libelo na may criminal case no. 15-2790, 15-2791, 15-2805 at 15-2806 na may P10,000.00 pesos bail recommended bawat kaso para sa pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon si Ginoong Roderick Mago ay humihimas na ng bakal na rehas sa detention facility ng Labo PNP upang harapin ang kanyang kaso na naaresto bandang alas 9:50 kaninang umaga sa Barangay Bulhao, Labo, Camarines Norte.
Kung maalala, sinampahan ni Mago ng kasong administratibo at criminal case ang kampo nina Mayor Ascutia at Vice Mayor Jojo Francisco at apat na iba pa dahil umano sa mabilis na pagpapatupad ng proyekto na di umano'y hindi dumadaan sa tamang proseso subalit ibinasura ito ng office of the ombudsman dahil sa kawalan umano ng merito at kabiguang makapag presinta ng mga kaukulang dokumento na magdidiin sa kaso na isinampa n'ya sa nasabing opisyal.
No comments:
Post a Comment