Kulong ang isang 55 anyos na padre de pamilya na kinilalang si Roberto Benitez y Babasa, residente ng P-9 Brgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Ayon sa mga awtoridad, si Benitez ay nahaharap sa dalawang kasong paglabag sa RA 9262 o Violence against women and their children act of 2004.
Una rito, isang warrant of arrest ang ipinalabas ng korte sa sala ni Hon. Evan D. Dizon, presiding judge ng RTC Br. 40 Daet, kaugnay sa nasabing kaso na may criminal case no. 16694 and 16695.
Ayon sa korte, ang kaso ni Benitez ay may bail recommended na 80,000.00 pesos bawat isang kaso para sa pansamantalang kalayaan nito na ngayon ay patuloy na humihimas ng bakal na rehas sa detention facility ng Jose Panganiban PNP.
Nabatid na rank no. 3 sa talaan ng nasabing istasyon ng pulisya ang suspek ngayon buwan ng Setyembre sa kanilang Lambat Sibat na maswerteng nalambat bandang alas 11:30 kahapon ng tanghali.
No comments:
Post a Comment