Thursday 3 September 2015
UMANO’Y MIYEMBRO NG NPA, DAKIP NG TROPA NG 49TH INFANTRY BATTALION SA CAMARINES SUR
Sa impormasyong ipinadala ni Cpt. Ronnie M. Madrinan, Civil Military
Operation – Officer ng 902nd Infantry Brigade, PA, kinilala nito ang nahuling
miyembro ng NPA na si Jerry “Don-Don” Necio aka Arnel na may standing warrant
of arrest umano mula sa 5th Judicial Region, Branch 64 ng Labo, Camarines Norte
na may criminal case no. 12-2252.
Bago rito, nagsasagawa ng Bayanihan Team Operation ang tropa ng Bravo
Company sa pamumuno ni 1Lt. Anthony B. Lina, Commanding Officer ng Bravo
Company na naka base sa Brgy. Banga, Ragay, Camarines Sur.
Samantala, lubos namang nagpapasalamat si Col. Amador Tabuga Jr,
Commanding Officer ng 902nd Infantry Brigade, 9th Infantry Division ng
Philippine Army sa mga nagbigay ng impormasyon sa tropa ng pamahalaan para
madakip ang nasabing NPA.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment