Naging sentro ng mensahe ni Mayor Joseph V. Ascutia kahapon sa pagsisimula ng 17th Busig on Festival at 215 Foundation Anniversary ng bayan ng Labo, Camarines Norte ang pagpapaunlad ng turismo sa lugar.
Ayon kay Mayor Ascutia, ang taunang pagdiriwang ng Busig on Festival ay daan upang makahikayat ng maraming turismo na makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya at kabuhayan ng mga Laboeno.
Patuloy nila umanong dene-develop ang mga turist spot sa bayan ng Labo, Camarines Norte gaya ng mga sumusunod na mga Destination;
Tourism Destination
- Waterfalls
- Saltahan Falls - barangay Awitan
- Palanas Falls - barangay Pag-asa
- Maligaya Falls - barangay Submakin
- Binuan Falls - barangay Daguit
- Malatap Falls - barangay Malatap
- Burok-Busok Falls - barangay Bagong Silang II
- Turayog Falls - barangay Fundado
- Caves
- _________________________________________________________________________________
- Mt. Cadig Cave - sa Mt. Cadig, Barangay Bayabas
- Mambuaya Cave - barangay Fundado
- Pintong Gubat
Maliban dito, ibinida rin nito ang mga proyektong patuloy na isinasakatuparan sa bayan ng Labo, Camarines Norte gaya ng planong pagpapagawa ng Grand Terminal na isa sa pinakamalaking terminal sa Camarines Norte pagdating ng panahon.
Ganun din ang patuloy na pagsasaayos ng mga drainage system sa lugar para maiwasan ang mga pagbaha.
Sentro rin ng Ascutia Administration ang pagpapaganda ng sistema ng edukasyon kung saan patuloy ang pagbibigay educational assistance sa mga paaralan kasabay ng pagpapagawa ng mga school buildings at marami pang iba.
No comments:
Post a Comment