Muling nakapasok sa
pangalawang pagkakataon ang bayan ng Labo, Camarines Norte sa Guinness Book of
World Record.
Ito’y matapos ma-break
ang record ng Cauayan City, Isabela na may pinaka mahabang parada ng mga
tricycle sa buong mundo sa record na 658 units ng mga tricycle subalit na
tinalo ito ng bayan ng Labo nitong nakalipas na sabado kung saan ito na ngayon
ang nakapagsagawa ng pinakamahabang parada ng mga tricycle sa buong mundo sa
bilang na 955 units ng mga tricycle na nagparada sa kahabaan ng National
Highway kasabay ng pagdiriwang ng 17th Busig on Festival at 215
Foundation Anniversary ng bayan ng Labo, Camarines Norte.
Tinawag ito ng lokal na
pamahalaan bilang “TODA DAY” na may temang "BIDA SA MASA, BIDA SA KALSADA, TULOY ANG ARANGKADA".
Maliban sa longest parade
ng mga tricycle, tampok din sa nasabing gawain ang Bb. Tsuper na 6 na taon ng
ginagawa ng naturang bayan ganun din ang Tsuper Sportfest.
Dito, binibigyan ng
pagkilala at pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan ang mga tricycle driver’s and
operators dahil sa itunuturing itong mga bayani ng lipunan sa pamamagitan ng
pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan.
Nabatid na may kabuang 20
Tricycle Operator’s and Drivers Associations (TODA’s) o katumbas ng 1,650
bilang ng mga pumapasadang tricycle sa bayan ng Labo, Camarines Norte.
Lubos naman ang
pasasalamat ng lokal na pamahalaang bayan sa pangunguna ni Mayor Joseph V.
Ascutia at Vice Mayor Severino H. Francisco Jr sa mga drivers and operators ng
mga tricycle sa pagpapakita nito ng pakikiisa at pagtulong sa mga programa ng
LGU’s para makilala sa buong mundo.
Kung maalala, unang nakapasok ang bayan ng Labo, Camarines Norte sa Guinness Book of World Record nitong nakalipas na taong 2014 sa pamamagitan ng Longest Ginataan Cuisine sa kaparehong okasyon.
Ayon kay Mayor Joseph V. Ascutia, isa itong paraan para makilala ang bayan ng Labo sa buong mundo at upang makahikayat ng mga turista sa lugar.
Kung maalala, unang nakapasok ang bayan ng Labo, Camarines Norte sa Guinness Book of World Record nitong nakalipas na taong 2014 sa pamamagitan ng Longest Ginataan Cuisine sa kaparehong okasyon.
Ayon kay Mayor Joseph V. Ascutia, isa itong paraan para makilala ang bayan ng Labo sa buong mundo at upang makahikayat ng mga turista sa lugar.
No comments:
Post a Comment