Bagsak sa rehas na bakal ang isang 51 anyos na lalaki na kinilalang si Bedasto Cereno y Francisco, walang asawa at nakatira sa Anacleto St, Brgy. III, Vinzons, Camarines Norte dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.
Ayon sa mga awtoridad, ang suspek ay may warrant of arrrest na mula kay Hon. Judge Evan Dizon ng RTC Br. 40, Daet kaugnay sa nasabing kaso matagumpay namang naaresto dakong alas 7:00 kagabi sa nasabing lugar,
Samantala, 80,000.00 pesos naman ang inilaang piyansa ng korte para sa suspek para sa pansamantalang kalayaan nito na ngayon ay patuloy na humihimas ng bakal na rehas sa detention facility ng Vinzons PNP.
No comments:
Post a Comment