Mabilis na isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital ang isang lalaki na kinilalang si Edwin J. Sacriz, 33 anyos residente ng P-3, Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte matapos itong pagtatagain ng suspek na kinilalang si Dennis Beraquit, residente rin ng nasabing lugar bandang alas 11:00 kagabi.
Agad namang tumakas ang suspek matapos ang kanyang pananaga sa nasabing biktima na tinamaan sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Sa ngayon, patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek at inaalam rin kung ano ang motibo ng pananaga.
No comments:
Post a Comment