Dahil sa madalang na
pag-ulan sa lalawigan ng Camarines Norte sanhi ng nagbabantang pagtama ng El
Niño.
Tatlong bayan na agad ang
nakapag sumite ng partial report sa Office of the Provincial Agriculturist ng
Camarines Norte na apektado ng mainit na panahon na kinabibilangan ng mga bayan
ng San Lorenzo Ruiz, Basud at Mercedes.
Sa panayam ng Balitang
Probinsya kay Melinda Jerez, Senior Agriculturist ng Office of the Provincial
Agriculture, sinabi nito na pangunahing apektado sa nasabing mga bayan ay
pawang mga pananim na palay.
Maging ang bayan ng San
Lorenzo Ruiz na itinuturing na Little Baguio sa Camarines Norte ay apektado
narin ng tagtuyot.
Pero nilinaw naman ni Jerez
na malaki pa ang chance na maka recover ang mga pananim sa nasabing mga bayan.
Maliban dito,
inaasahan na madadagdagan pa ang mga bayan na magsusumite ng mga reports
na apektado ng tag-init sa mga susunod na araw.
Ganun pa man, wala naman
daw kailangang ipangamba ang publiko dahil gumagawa naman daw sila ng mga
pamamaraan para sa posibleng maging epekto ng El Niño partikular na sa sa
sector ng agrikultura at patubig sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa
tanggapan ng National Irrigation Administration (NIA).
Malayo din daw sigurong ideklara ang Camarines Norte sa state of
calamity dahil sa nakakaranas pa naman
daw ito ng mga pag-ulan na ayon sa pag-asa ay isa ang lalawigan sa makakaranas
ng posibleng tagtuyot na maaring tumagal hanggang sa susunod na taon.
No comments:
Post a Comment