Mahigpit na ipinagbabawal ng Labo PNP ang paglalagay ng pwesto para sa night market sa pedestrian lane sa bayan ng Labo, Camarines Norte kaugnay sa pagdiriwang ng 17th Busig-on Festival at 215th Foundation Anniversary ngayong buwan ng Setyembre 2015.
Sa panayam ng Balitang Probinsya ngayong umaga kay Police Superintendent Geoffrey Fernandez, Acting Chief of Police ng Labo PNP, sinabi nito na mahigpit nilang ipinagbabawal ang paglalagay ng pwesto sa mga tawiran dahil nakasaan umano ito sa batas trapiko.
Dahil dito, makikipag-ugnayan umano sila sa pamunuan ng Labo Municipal Employees Association (LMEA) hinggil dito kasunod narin umano ng ilang mga reklamo ng ilang mga motorista at kababayan dahil meron parin umanong mga hindi sumusunod sa nasabing patakaran.
Ang Night Market ay bahagi ng selebrasyon ng Busig-on Festival kung saan mabibili ang ibat ibang pagkaing turu-turo sa bayan ng Labo.
No comments:
Post a Comment