Ikinokonsidera ngayon
bilang Pilot Project ng Labo District Jail (LDJ) ang pagkakaroon ng Radio
Program na “Radyo sa Piitan” na mapapakinggan sa DWLB FM 89.7Mhz tuwing araw ng
linggo simula alas 7:00 hanggang alas 8:00 ng umaga.
Sa panayam ng Balitang
Probinsya kay SJO4 Arnel Lagatuz, warden ng Labo District Jail sinabi nito na
ang nasabing programa sa radyo ay itinuturing nilang pilot project sa ilalim ng
kanyang pamumuno bilang warden dahil sa buong unit umano ng District Jail sa
buong Bicol Region tanging LDJ lamang ang kauna-unahang nagkaroon ng programa
sa radyo na tumatalakay sa mga programs and projects ng Bureau of Jail ganun
din ang pagbibigay daan sa talambuhay ng mga inmates.
Ang Radyo sa Piitan sa
DWLB FM 89.7Mhz ay hosted by JO1 Karen Kaye A. Elnar na tinanghal din bilang
Regional Female JNCO of the Year kasabay ng pagtanggap ng LDJ bilang Best
District Jail of the Year.
Dahil dito labis ang
pasasalamat ng LDJ sa pangunguna ni SJO4 Lagatuz sa pamahalaang lokal sa
pamumuno ni Mayor Joseph V. Ascutia at Vice Mayor Jojo Francisco sa pagbibigay
ng pagkakataon na magkaroon ng programa sa radyo ganun din sa Station Manager
na si SM Alvin Galvez Bardon sa pagbibigay ng pahintulot na maisakatuparan ang
nasabing programa.
No comments:
Post a Comment