Isang sertipiko ng
pagkilala ang iginawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa
lokal na pamahalaan ng bayan ng Labo, Camarines Norte.
Kahapon sa pagsisimula ng
17th Busig-on Festival at 215 Foundation Anniversary, personal na
inabot ni Director Louisa Pastor, Officer in Charge ng Department of Interior
and Local Government (DILG) Region V kay Mayor Joseph V. Ascutia ang nasabing
sertipiko ng pagkilala kung saan out of six local governance assessment areas,
nasungkit ng bayan ng Labo ang pagiging;
1. GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING
2. DISASTER PREPAREDNESS
3. BUSINESS-FRIENDLESS AND COMPETITIVENESS
4. PEACE AND ORDER
Ayon kay Dir. Pastor, isa
sa pinakamahalaga ay ang pagiging peaceful ng bayan ng Labo, Camarines Norte.
Add caption |
Pinuri rin nito ang lokal
na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Joseph Ascutia sa maayos na implementasyon
ng mga proyekto at tamang paggamit ng pondo ng gobyerno para sa taongbayan.
Sa huli, sinabi ni Pastor
na bubuhos ang mga proyekto mula sa kanilang tanggapan sa bayan ng Labo sa
susunod na taon dahil sa magandang performance umano nito kasabay ang
pagpapaabot ng suporta sa Ascutia Administration.
No comments:
Post a Comment