Ayon kay Mrs. Noemi V. Pareja, Municipal Civil Registrar Officer sa bayan ng Labo, Camarines Norte, sinabi nito gagawin nilang kakaiba ang isasagawang civil wedding kung saan ang magkakakasal ay si Mayor Joseph V. Ascutia.
Ang nasabing mga couples ay pawang mga taga Labo lamang na ang iba ay nagsasama na ng mahigit sa limang taon.
Samantala, nakatakda naman dumating si Mrs. Anabelia Barquilla, Provincial Statistic Officer ng PSA Camarines Norte bilang panauhing pandangal kung saan inaasahan na magbibigay ito ng mga mahahalagang mensahe para sa maayos na pagsasama ng mag-asawa.
Sa huli, inaanyayahan ni Pareja ang mga mamamayan ng panoorin ang isasagawang mass wedding dahil sa kakaiba nila umanong preparation na nasabing okasyon.
No comments:
Post a Comment