Naging maayos ang turn out ng Dugong Alay ni Busig-On kahapon na pinagunahan ng Philippine Red Cross Camarines Norte Chapter sa pangunguna ni Josie Baning Tallado, Chairwoman ng Red Cross Camarines Norte Chapter.
Sa panayam ng Balitang Probinsya kay Ginang Josie Tallado, sinabi nito na maraming mga kababayan ang nag alay ng dugo kahapon na mula pa sa ibat ibang lugar sa bayan ng Labo, Camarines Norte.
Tiniyak rin nito na sapat ang stock ng dugo sa Blood Bank sa Camarines Norte Philippine Red Cross.
Samantala, priority naman daw ng Philippine Red Cross ang mga taong nag donate ng dugo kapag ito'y nangailangan.
No comments:
Post a Comment