Hindi raw inaasahan ng
Labo District Jail na muling mapipili bilang Regional Best District Jail of the
Year.
Ito ang sinabi ni SJO4
Arnel Lagatuz, ang warden ng LDJ sa panayam ng Balitang Probinsya.
Ayon kay SJO4 Lagatuz,
hindi nila akalain na sila ang muling tatanghalin bilang District Jail of the
Year sa kabila ng kabuuang 23 unit ng District Jail sa buong Bicol Region ang
naglabanlaban para sa nasabing titulo.
Kinonsidera umano dito ng
kanilang Regional Office ang pagkakaroon ng maraming benefactors ng LDJ kumpara
sa ibang District Jail na kinabibilangan ng LGU-Labo, Provincial Government of
Camarines Norte, Office of the Representative ng First District, Non-Government
Organization, Individuals at marami pang iba.
Kabilang sa
ipinagmamalaki ng LDJ ay ang pagkakaroon ng maayos na sistema ng pamamahala sa
loob at labas ng nasabing piitan sa ilalim ng pamumuno ni SJO4 Lagatuz,
pagkakaroon ng Multi-purpose Covered Court, Firing Range, programa sa radyo na
tinawag nilang “Radyo sa Piitan” sa DWLB FM 89.7Mhz, completion ng second floor
ng LDJ na ngayon ay nagagamit na at marami pang iba.
Tumanggap din ito ng
Certificate of Recognition mula sa lokal na pamahalaang bayan ng Labo sa
pamumuno ni Mayor Joseph V. Ascuita at Vice Mayor Severino H. Francisco Jr.
Samantala, naghahanda
naman umano sila ngayon para sa National Level competition kung saan lahat na
ng mga District Jail ang maglalaban-laban sa buong Pilipinas na muling umaasa
na masusungkit ang kampeonato.
Sa kabilang dako,
nagpaabot naman ito ng taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga benefactors sa
walang saying pagsuporta, ganun din sa lahat ng kanyang mga tauhan sa maayos na
pakikiisa at pagtutulungan para maabot ang nasabing pwesto at sa patuloy na
reporma sa mga inmates ng kanilang piitan na tinawag nilang “Masayang Tahanan”
at lalong higit sa kanya umanong pamilya.
No comments:
Post a Comment