Magkakasunod na nahuli ng mga awtoridad sa Bicol Region ang 9 na katao na may warrant of arrest para sa ibat-ibang kasong kinakaharap sa batas nito lamang nakalipas na lunes Agosto 17, 2015.
Una rito ang No. 1 Municipal Most Wanted Person sa talaan ng San Lorenzo Ruiz PNP sa Camarines Norte na isang 17 anyos na lalaki na hindi na isinapubliko ang pangalan dahil sa itoy menor de edad na may kasong Kidnapping or Serious Illegal Detention in Rel. to RA 7610 na walang piyansang inirekomenda ang korte na nasakote ng pinasanib pwersa ng Basud PNP , Lupi PNP Camarines Sur at 5th Regional Public Safety Battalion.
Pangalawa sa Sipocot Camarines Sur kung saan arestado ang 18 anyos na binata na kinilalang si Angelo Baylon alyas Biboy ng Fabricante St., South Centro, Sipocot na may kasong pagnanakaw na 20,000 pesos bail recommended para sa pansamantalang kalayaan nito.
Pangatlo sa Libmanan Camarines Sur, kung saan isang 56 anyos naman na padre de pamilya ang inaresto na kinilalang si Francisco Bobis ng Brgy. Mambulo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2014" na may 12,000.00 bail recomended.
Pang-apat sa Iriga City, kung saan isang Anthony Ocile, 21 anyos, binata, residente ng Malangatong St. Zone 4 ang inaresto ng Iriga CPS dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries na may 12,000.00 pesos bail recommended para sa pansamantalang kalayaan.
Pang lima sa Buhi, Camarines Sur kung saan inaresto ng Buhi MPS ang isang nagngangalang Ricardo Borilla, 62 anyos, binata ng Brgy. Sta. Justina West ng nasabing bayan dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damaged to Property na may 15,812.50 pesos bail recommended.
Pang-anim sa Bula, Camarines Sur kung saan kasong paglabag naman sa PD 705 Revised Forestry Code of the Philippines na may 40,000.00 bail recommended ang kinakaharap ng suspek na si Terso Registrado, 45 anyos, may-asawa, residente ngBrgy. Palsong, Bula, Camarines Sur.
at ang Pang-pito at pang-walo ay sa Pili, Camarines Sur, kung saan isang Ronie Mark De Lunna, 22, anyos at Shan San Buenaventura, 23 anyos walang asawa kapwa residente ng Zone 4 Nazareth, Brgy. Cadlan, Pili, Camarines Sur dahil sa Frustrated Murder na may 200,000.00 pesos bail recommended para sa pansamantalang kalayaan.
Pang-siyam ay sa Goa Camarines Sur kung saan arestado ang isang nagngangalang Dominador Parro y Vibar, 42 anyos, may-asawa ng Brgy, San Sebastian, Lagonoy, Camarines Sur dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na may 12,000 pesos bail recommended para sa pansamantalang kalayaan.
Ayon sa mga awtoridad, ang mga nabanggit na akusado ay sabay-sabay na ngayong humihimas ng bakal na rehas sa bawat detention facility ng bawat istasyon ng pulisya sa mga nabanggit na lugar.
Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay sa pamamagitan na rin ng pinaigtig na PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030 in compliance with the PRO5 "Target Output Policy" na direktiba ni Chief Superintendent Victor Deona, Regional Commander ng PNP sa BICOL.