Kulong ang isang senior citizen sa bayan ng Vinzon, Camarines Norte matapos itong arestuhin ng mga operatiba ng Vinzons PNP dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.
Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte, inaresto si Alberto Villaflores y Alvarez, 69 anyos, may asawa at residente ng Brgy. III,Vinzons, Camarines Norte.
Si Villaflores ay naaresto bandang alas 3:00 kahapon sa Brgy. II, Vinzons, Camarines Norte ng mga operatiba ng batas sa pangunguna ni SPO3 Nelson R. Gesuden.
Sa ngayon ay patuloy na humihimas ng bakal na rehas sa detention facility ng nasabing istasyon na may 12,000 pesos na inilaang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.
No comments:
Post a Comment