Posibleng makulong dahil sa
paglabag sa PD 705 (Forestry Code of the Philippines) ang isang 36 anyos na
kinilalang si Floredel Morate y Beldua, may-asawa, residente ng Manguisoc,
Mercedes, Camarines Norte.
Naaktuhan ng mga awtoridad na
nagha-hauling ng apat na sakong uling na kahoy sa Barangay 4, Mercedes
kamakalawa ng tanghali.
Ayon sa mga awtoridad inaresto ang
suspek dahil sa kawalang ng kaukulang dokumento para sa nasabing uling na kahoy
na ngayon ay nasa kustodiya na Mercedes PNP ganun din ang mga nakumpiskang
uling para sa kaukulang disposisyon.
No comments:
Post a Comment