Tuesday 25 August 2015

ISANG MAGSASAKA SA BAYAN NG LABO, CAMARINES NORTE, ARESTADO DAHIL SA KASONG MURDER

Bilanguan ngayon ang binagsakan ng isang 30 anyos na magsasaka sa bayan ng Labo, Camarines Norte matapos itong arestuhin ng pinagsanib pwersa ng mga awtoridad sa Camarines Norte dahil sa kasong pagpatay o murder.



Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Jerol Agnote y Balbero, may kinakasama, residente ng P-3 Brgy. Bayabas, Labo, Camarines Norte.



Naaresto si Agnote kamakalawa ng umaga sa P-5 Brgy. Guisican, Labo sa bisa na rin ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Roberto A. Escaro, Acting Presiding Judge ng RTC Br. 64 kaugnay sa nasabing kaso.



Sa ngayon ang suspek ay nakapiit na sa lock up cell ng Labo PNP para harapin ang kanyang kaso.

No comments:

Post a Comment