Arestado ang isang 29 anyos na
lalaki na kinilalang si Richard Tormes y Penaflores, walang asawa, residente ng
P-5 Brgy. Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte dahil sa kasong paglabag sa PD
1602.
Ang suspek ay inaresto ng mga
operatiba ng Paracale PNP sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon.
Wilfredo F. Herico, Acting Presiding Judge ng MTC Paracale, Camarines Norte
noong Aug, 17, 2015 na may criminal case no. 14-4826 kaugnay sa nasabing kaso
kamakalawa ng umaga.
Sa ngayon ang nasabing akusado ay
humihimas na ng bakal na rehas sa detention facility ng Paracale PNP para sa
kaukulang disposisyon.
No comments:
Post a Comment