Kauna-unahang binisita ni PNP Chief Police Director General Richardo C. Marquez ang Head Quarters ng Police Regional Office 5 Bicol Region na pinamumunuan ni Regional Director Police Chief Superintendent Victor Deona.
Ang pagbisita ni General Marquez ay kasabay ng pagdiriwang ng 114th Police Service Anniversary nitong nakalipas ng Martes (Agosto 11, 2015) sa Camp Semion A. OLA, Legaspi, City.
Sa kanyang pagbisita, pinuri nito si Chief Supt. Victor Deona dahil sa husay umano nito sa pamumuno at pagtupad sa tungkuling sinumpaan.
Dahil dito, itinalaga nito si Deona bilang bagong CIDG Director.
Ani ni Marquez, wala s'yang nakikitang singgaling ni Deona sa pagtupad sa tungkulin at pagsugpo sa mga kremin.
Kaugnay nito, anumang oras mula ngayon ay posible nang lisanin ni Deona ang kanyang pwesto bilang Regional Director ng PNP sa Bicol.
Samantala, hindi pa inilalabas ang pangalan ng posibleng papalit kay Deona bilang bagong PNP Regional Director sa Bicol.
No comments:
Post a Comment