Sa loob ng apat na taon sa serbisyo simula October 1, 2011 sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), tinanghal bilang Regional Female Jail Non-Commissioned Officer si JO1 Karen Kaye A. Elnar ng Labo District Jail, Labo, Camarines Norte.
Sa darating na biyernes (Agosto 14, 2015) tatanggapin ni JO1 Elnar ang kanyang parangal kasabay ng ika 24 na taong anibersaryo ng BJMP na gaganapin sa Legaspi City.
Sa panayam ng Balitang Probinsya kay JO1 Elnar, sinabi nito na hindi n'ya akalain na mahihirang s'ya sa nasabing titulo lalo na't bago palang umano sa sa serbisyo.
Ang sa kanya umano ay trababo at hindi n'ya ito inaasahan na s'ya ang mapalad na mapipili na Regional Female JNCO of the year sa buong Bicol Region na ginaganap kada quarter ng taon.
Ganun pa man, labis itong nagpapasalamat sa lahat ng kanyang mga naging superiors sa pangunguna ni J/Insp. Freddie T. Caballero na dating warden ng Labo District Jail ganun din kay SJO4 Arnel Lagatuz, ang OIC ngayon ng LDJ maging sa mga kasamahan nito sa bureau at sa kanyang mga magulang na isa ring BJMP personnel ang ama na si JO3 Rogelio Acal.
Si Elnar ay dalawang taon na sa Labo District Jail bilang Community Relations Services and Program Development Division JNCO.
Ginagampanan rin nya ang Custodial at Escort Services para sa seguridad ng mga residente.
Ginagampanan rin nya ang Custodial at Escort Services para sa seguridad ng mga residente.
Siya rin ang Anchor ng "RADYO SA PIITAN" sa DWLB FM 89.7Mhz, isang Community Radio Station sa bayan ng Labo, Camarines Norte tuwing araw ng linggo sa oras na alas 7:00am-8:00am kung saan tampok dito ang mga programa ng LDJ ganun din ang talambuhay ng mga residente na unang binuksan sa himpapawid noong Marso 15, 2015 na kauna-unahang programa sa Radyo ng BJPM sa buong Bicol Region at sa buong Pilipinas.
Siya rin ang nasa likod ng Camera ng lahat ng mga documentation at reports ng bureau na isinusumite sa regional office patungong nasyunal.
Maliban dito, isa rin s'ya sa mga nagbibigay ng kaalaman pagdating sa livehood ng mga residente ng Masayang Tahanan Labo District Jail kagaya ng Rag Making and Accessory at iba pa bilang bahagi ng programa ng ahensya sa mga residente.
Sa huli sinabi nito sa Balitang Probinysa " na ung award na un ang magsisilbi ring motivating factor sa mga katulad q na nasa mababang ranggo na magpursige sa kanilang trabaho dahil patunay ito na hindi bulag ang bureau sa mga pagsisikap ng mga personnel nito."
No comments:
Post a Comment