Ginawaran ng parangal bilang Best District Jail Warden sa buong Pilipinas si Jail Inspector Freddie T. Caballero II ng nasyunal bureau dahil sa kahusayan nito sa panunungkulan at pagtupad sa sinumpaang tungkulin sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Tinanggap ni J/Insp. Caballero ang parangal kasabay ng ika 24th Anniversary ng BJMP na ginanap noong July 1, 2015 sa Multi-Purpose Center, Camp Crame, Quezon City kung saan guest of honor and speaker si Sec. Mar Roxas ng DILG na may temang "Maayos na Pamamahala ng Piitan, Kaagapay ng Bayan Para sa Pagtaguyod at Pagtahak ng Tuwid na Daan".
Si Caballero ay pumasok sa serbisyo noong Marso 26, 2009 o nasa anim na taon ng nagseserbisyo sa BJPM.
Na assign s'ya sa Labo District Jail bilang District Warden noong August 8, 2013 hanggang July 8, 2014 o 11 months sa pagiging warden ng LDJ na ngayon ay Provincial Administrator ng ahensya sa Catanduanes.
Sa panayam ng Balitang Probinsya kay Caballero, sinabi nito na labis s'yang nagpapasalamat sa lahat ng mga personnel ng LDJ dahil sa suporta at pagkakaisa na ibinigay ng mga ito sa kanya ng s'ya ay warden pa ng LDJ ganun din sa kanilang Bureau.
Kung wala umano ang mga ito ay hindi rin naman n'ya ito makakamit ang nasabing parangal kaya labis itong nagpapasalamat.
Maliban dito, nagpapaabot din ito ng pasasalamat sa lokal na pamahalaang bayan ng Labo, Camarines Norte sa pamumuno ni Mayor Joseph V. Ascutia dahil sa patuloy nitong suporta sa Labo District Jail ganun din sa iba pang sector ng gobyerno.
Binago kasi ni Caballero ang mukha ng Labo District Jail mula sa dating masikip at kulang sa mga facility, ngayon tinuturing ng Best District Jail sa buong Bicol Region dahil sa maayos na pamamalakad, mga programa at proyekto para sa mga residente na tinawag n'ya itong "Masayang Tahanan" na nasa barangay Masalong, Labo, Camarines Norte na dati'y nasa likod lamang ng munisipyo ng Labo.
Ito ang iniwang legacy ni Caballero sa LDJ at sa mga personnel na ngayon ay dala-dala n'ya hanggang sa kanyang pag-akyat sa taas.

No comments:
Post a Comment