Tuesday 25 August 2015

LONGEST TRICYCLE PARADE, ISASAGAWA SA BAYAN NG LABO SA DARATING NA SETYEMBRE 5, 2015 RE; BUSIG ON FESTIVAL

Nakatakdang isagawa ng pamahalaang lokal ng bayan ng Labo, Camarines Norte ang pinakamahabang parade ng mga tricycle sa darating na Setyembre 5, 2015 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 17th Busig on Festival at 215th Founding Anniversary ng bayan ng Labo, Camarines Norte.

Ayon kay Vice Mayor Severino H. Francisco Jr, layunin ng nasabing parada ng mga tricycle na makapasok sa Guinness World Record kung saan layunin nito na malampasan ang record sa Guinness World Record ng Cauayan City, Isabela na nakapagtala ng umaabot sa 685 units ng tricycle.

Nabatid na sa bayan ng Labo ay may kabuuang 1,650 units ng mga tricycle kung saan kailangang makakuha ng 60%-70% ng nasabing bilang ng mga tricycle ang kailangang makiumisa para malampasan ang records ng Cauayan City, Isabela sa Guinness World Record .

Samantala, may 3 litrong gasolina naman na ibibigay ang LGU Labo sa mga tricycle na magmumula sa Bagong Silang, Labo habang 2 litro naman ang ibibigay sa mga tricycle na may rota sa poblacion.

Kung maalala, una ng isinagawa ng LGU Labo ang Longest Ginataan Cousin kung saan nakapasok din ito sa Guinness World Record sa Municipality Category.


No comments:

Post a Comment