Abo na ng madatnan ni Ginoong
Benjamin Bravo Arce ang kanyang bodega ng palay na nasa P-2 Brgy. Sto Niño,
Talisay kamakalawa ng umaga.
Base sa salaysay ni Ginoong Arce
sa himpilan ng Talisay PNP, bandang alas 7:00 ng umaga kamakalawa ng kanyang
bisitahin ang kanyang bodega ng palay sa nasabing lugar subalit laking gulat
n’ya umano ng kanyang madatnan na abo na ito lahat sanhi ng pagkakasunog ng
hindi pa mabatid na salarin.
Base umano sa mga residente
malapit sa kanyang bodega, bandang alas 10:00 umano ng gabi ng biglang sumiklab
ang apoy at dahil sa mabilis ang pagkalat nito hindi na umano nagawa maisalba
pa ng mga residente ang nasabing bodega hanggang sa tuluyan nalamang itong
natupok.
Maliban sa nasabing bodega, sinira
rin umano ang kanyang pananim malapit sa kanyang bodega na hinihinalang iisang
tao lamang gumawa.
Si Ginoong Arce ay may-asawa at
residente ng P-4 Brgy. Caawigan, Talisay, Camarines Norte.
Sa ngayon patuloy pang
iniimbistigahan ng mga awtoridad ang pangyayari at kung sino ang responsible sa
panununog.
Inaalam pa rin hanggang ngayon ang
halaga ng pinsalang iniwan ng apoy.
No comments:
Post a Comment