Sa panayam ng Balitang Probinsya kay Sen. Escudero, sinabi nito na ang dahilan ng kanyang pagbisita ay dahil sa isang imbitasyon ng grupo ng mga negosyante sa lalawigan bilang panauhing pandangal na isinagawa kaninang umaga.
Dumating si Escudero pasado alas 8:00 ng umaga kanina sakay ng isang chopper kung saan magtatagal s'ya dito ng kalahating araw.
Samantala, hindi pa rin nito kumumpirma sa Balitang Probinsya kung tatakbo nga s'ya sa pagka Bise-Presidente sa darating na election.
Sa kabilang dako, suportado daw n'ya ang kandidatura ni Senadora Grace Poe lumaban man ito o hindi sa pagka Bise Presidente sa darating na election at kainlaman daw ay wala daw s'yang planong kalabanin ang senadora sa kandidatura.
No comments:
Post a Comment