Isang nagngangalang Brgy. Kagawad Marasigan Jamito y Hicarte, 35 anyos ng barangay Talobatib, Labo, Camarines Norte ang personal na tumungo sa himpilan ng Labo PNP upang boluntaryong isuko sa mga awtoridad ang isang kalibre .45 na nakuha nito habang nagpapatrolya kamakalawa ng gabi sa nasabing barangay kasama ang ilang mga barangay tanod's.
Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, may markings na Government model colt with serial no. 321982 ang nasabing baril na ngayon ay hawak na ng mga awtoridad.
Sa kabilang dako, ipinag-utos naman ni PS/Supt. Harris Fama, OIC ng CNPPO sa nasabing istasyon na paigtingin pa ang kampanya kontra loose fire arms na kasama rin sa kanilang target output policy.
No comments:
Post a Comment