Dead on arrival sa pagamutan ang
isang sundalo na kinilalang si Marlon Almadrones y Napoles, 28 anyos matapos
sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang puno ng niyog sa barangay
Lugui, Labo, Camarines Norte kahapong madaling araw.
Base sa ipinadalang report ng Labo
PNP sa Balitang Probisya, binabagtas ng nasabing sundalo ang kahabaan ng
provincial road mula barangay Tulay na Lupa, Labo at pagdating nito sa bahagi
ng Sinagtala Resort ng barangay Lugui ay aksidenteng sumalpok ang motorsiklo
nito na nagresulta grabe pinsala sa ulo at katawan.
Nagawa pang maisugod ng mga rescue
team ng MDRRMC Labo sa Camarines Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet
subalit ideneklarang dead on arrival ng mga doctor ang biktima.
Nabatid na taga Sierra Bros, Brgy.
Talobatib, Labo, Camarines Norte ang biktima na naka distino naman sa Bolo,
Camarines Sur.
Naulila ni Almadrones ang asawa
nito at dalawang anak na kapwa menor de edad pa.
No comments:
Post a Comment