Wednesday 19 August 2015

ISANG NEGOSYANTE SA BAYAN NG DAET, KULONG DAHIL SA KASONG PAGLABAG SA REVISED FORESTRY CODE OF THE PHILIPPINES

Kulong ang isang negosyante sa bayan ng Daet, Camarines Norte  dahil sa kasong paglabag sa setion 77 ng Presidential Decree 705 o mas kilala bilang Revised Forestry Code of the Philippinnes na kinilalang si Richard Ibasco, 43 anyos may-asawa, residente ng Diego Linan St. Brgy. VII, Daet, Camarines Norte.

Inaresto si Ibasco ng pinagsanib pwersa ng mga operatiba ng Daet PNP at San  Vicente PNP bandang alas 10:00 ng umaga kahapon sa nasabing lugar sa bisa na rin ng warrant of arrest na ipinalabas ng kote kung saan halagang 80,000 pesos ang inirekomendang piyansa ng korte  para sa pansamantalang kalayaan nito na ngayon ay nasa kustodiya na ng Camarines Norte CIDT para sa kaukulang disposisyon.

No comments:

Post a Comment