Arestado ng mga awtoridad
ang isang lalaki na may kasong murder na kinilalang si Christian Briz y
Camacho, 26 anyos, may live-in partner at nakatira sa P-2 Brgy. San Lorenzo,
Sta. Elena, Camarines Norte.
Ayon sa mga awtoridad ang
suspek ay may warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Roberto A. Escaro ng
RTC Br. 64 Labo noong July 28, 2015 kaugnay sa nasabing kaso.
Naaresto si Briz ng
pinagsanib pwersa ng Labo PNP at Sta. Elena MPS bandang alas 9:00 kamakalawa ng
umaga sa nasabing lugar na ngayon ay nasa kostudiya na ng Sta. Elena MPS.
Walang piyansang
inirekomenda ang korte kay Briz dahil sa bigat ng ginawa nitong kasalanan sa
batas.
No comments:
Post a Comment