Nagngingitngit na ngayon ang mga konsesyunaryo ng Camarines Norte Water District dahil sa mahinang supply ng patubig sa ilang lugar sa lalawigan ng Camarines Norte.
Kabilang na dito ang 2 barangay ng bayan ng Labo, Camarines Norte na kinabibilangan ng barangay ng Mabilo I at Mabilo II na una ng nagpaabot ng reklamo sa Balitang Probinsya kaugnay sa serbisyo ng water district.
Sa panayam ng Balitang Probinsya kay Kapitan Jonathan Fruto ng barangay Mabilo II, sinabi nito na nagngingitngit na ang kanyang mga kabarangay dahil sa maliban sa mahinang daloy ay tuluyan na itong nawalan ng daloy ng tubig sa mga faucet ilang linggo na ang nakakalipas na mismong nandun ang isa sa mga water tank ng CNWD pero walang tubig sa kanila lugar.
Ganito rin ang ipinaabot na reklamo ng mga konsumedores mula ng barangay ng Mabilo I, Labo, Camarines Norte.
Habang ang ibang lugar naman na siniserbisyuhan ng CNWD ay hindi nakakaranas ng pagkawala ng daloy ng tubig.
Una ng sinabi ng CNWD na limang bayan ang makakaranas ng mahina hanggang sa pagkawala ng daloy ng tubig inumin na kinabibilangan ng Labo, San Vicente, Vinzon, Talisay, Mercedes ilang lugar sa Daet.
Depensa ng CNWD bumagsak daw kasi 33% ang level ng tubig sa mga source nito nitong mga nakalipas na buwan dahilan para makaranas ng ganitong sularin ang mga nasabing lugar.
Tinawagan ng Balitang Probinysa ang tanggapan ni General Manager Ma. Antonia Boma, pero tanging staff nito ang sumagot at sinabing nasa travel daw si Boma para dumalo ng isang business meeting at hindi alam kung kailan ito babalik ng kanyang tanggapan para sagutin ang mga reklamo.
Wala naman daw sa kanilang pwedeng magbigay ng sagot hinggil sa nasabing suliranin kundi General Manage Boma lamang.
Nahirapan ding makontak ng Balitang Probisya ang tanggapan ni Boma dahil sa tuwing tumatawag ay laging busy ang linya nito bagay na isa rin sa inirereklamo ng mga konsumedores sa tuwing magpapaabot ng reklamo.
No comments:
Post a Comment