Thursday 27 August 2015

MAHIGIT P1.2MILYONG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST OPS. NG MGA AWTORIDAD SA CAMARINES NORTE

Umaabot sa 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng  P1,250,000.00 pesos ang nasamsam ng mga awtoridad sa Camarines Norte sa isinagawang buy bust operation kamakalawa.

Sa pamamagitan ng pinagsanib pwersa ng Sta. Elena MPS, PDEA Camarines Norte at Camarines Norte Provincial Intellegence Branch na pinamunuan nina Agent Enrique G. Lucero at PCI Juancho B. Ibis, arestado ang dalawang lalaki na kinilalang sina Mamao G. Misug, 31 anyos, may-asawa at isang nagngangalang Batotoy Regala kapwa mga residente ng Brgy. Baclaran, Calauag, Quezon.

Nakuha mismo ng mga awtoridad sa mga ito ang nasabing gramo ng shabu na nakalagay sa dalawang piraso ng knot tied clean plastic, pera at iba pa.

Sa ngayon ang nasabing mga droga ay dinala na sa Camarines Norte Provincial Crime Laboratory Office habang ang dalawang suspek ay humihimas na ng bakal na rehas sa detention facility ng Sta. Elena Municipal Police Station na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Base sa mga awtoridad, ito ang pinakamalaking droga na kanilang nasabat ngayong buwan ng Agosto 2015 sa nasabing bayan.

No comments:

Post a Comment