Monday 10 August 2015

DAET PNP, NATAKASAN NG PRISO KANINANG UMAGA!


Natakasan ang Daet PNP ng isang priso kaninang madaling araw.


Sa impormasyong nakarating sa Balitang Probinsya mula sa Labo PNP, nilaghari di umano ng priso ang rehas ng detention facility sa gawing likuran nito dahilan para makatakas.

Kinilala ang nakapugang priso na si ANTONIO HEGINA AKA Anthony Espinar na taga Brgy. Malasugui, Labo, Camarines Norte na may kasong "Carnapping" .

Kung maalala naaresto ng Labo PNP  katuwang ang iba pang operatiba ng batas sa lalawigan nitong nakalipas na semana ang suspek  dahil sa nasabing kaso na ngayon ay muling pinaghahanap ng mga awtoridad matapos makatakas.

Hinihinalang bandang alas 3:00 - 4:00 kaninang madaling araw nakatakas ang suspek subalit napansin lang umano ito ng mga operatiba ng Daet PNP bandang alas 6:30 kaninang umaga.


Blanko pa ngayon ang mga awtoridad kung saan nakakuha ng laghari sa bakal ang suspek na ginamit nito para makatakas.





No comments:

Post a Comment