Wednesday 12 August 2015

KOTSE SUMALPOK SA MOTOR, 1 PATAY! 1 SUGATAN SA BAYAN NG LABO, CAMS. NORTE

Dead on the spot ang isang 53 anyos na padre de pamilya matapos salpukin ng isang itim humaharurot na Honda Civic na may plate no. ZRF 141 na minamaneho ni Allan Manzana y Lao 37 anyos, walang asawa, negosyante, residente ng P-4 Brgy. Mantagbac, Daet, Camarines Norte.

Habang kinilala ni P/Supt. Geoffrey Fernandez, Acting Chief of Police ng Labo PNP ang mga biktima na sina Danilo Espana y Clacio, 60 anyos, may-asawa, fish vendor at residente ng P-1 Brgy. Gahonon, Daet, Camarines Norte na mabilis na isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet dahil sa pinsalang tinamo nito sa ibat ibang bahagi ng katawan habang kinalala naman ang angkas nito na si Sozimo Lagata y Cataluna, 53 anyos, may-asawa, self-employed at residente ng Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte na agad ding namatay matapos salpukin ng nasabing kotse ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito kamakalawa ng gabi sa Maharlika Highway, P-2 Brgy. Bautista, Labo, Camarines Norte.

Sa imbistigasyon ng mga awtoridad, binagbatas ng nasabing mga biktima sakay ng kanilang motorsiklo ang kahabaan ng Maharlika Highway mula Jose Panganiban, Camarines Norte patungong Brgy. Iberica, Labo, Camarines Norte ng salpukin ito sa likuran ng nasabing Honda Civic pagsapit sa P-2 Brgy. Bautista, Labo, Camarines Norte at dahil sa tindi ng pinsala agad na binawian ng buhay si Lagata.

Sa ngayon ang driver ng nasabing Honda Civic ay patuloy na humihimas ng bakal na rehas sa detention facility ng Labo PNP habang hinihintay ang kasong kanyang kakaharapin habang patuloy namang nagpapagaling sa nasabing pagamutan ang driver ng motorsiklo.

No comments:

Post a Comment