Bumagsak umano sa isinagawang pagsusuri ng Rural Health Unit Paracale, Camarines Norte ang tubig na nagmumula sa Batobalani Watershed.
Ito ang sinabi ni Arvin Rieza, Rural Sanitary Inspection III sa panayam ng Balitang Probinsya.
Ayon kay Rieza, nito umanong nakalipas na buwan ng Hulyo sa kanilang isinagawang pagsusuri sa tubig mula sa dam ng nasabing water facility ay bumagsak ito dahil na rin umano sa dumi, gaya ng mga dahon ng kahoy at iba pa.
Hindi rin advisable umano na inumin ang nasabing tubig na nagmumula sa nasabing dam.
Dahil dito, nagbigay s'ya ng recommendation sa tanggapan ng Paracale Water District kabilang na dito ang paglalagay ng filter box with silica sand, gravel, filters and activated charcoal ganun din ang immediate rehabilitation ng nasabing dam at iba pa.
Sakaling hindi umano ito maaksyunan ng PWD sa pamumuno ni General Manager Lot Villanueva ay kanila na itong ipapasa sa LOWA ang nasabing suliranin para magawan ng aksyon na matagal ng inirereklamo ng mga konsumedores sa PWD.
Kung maalala, nitong nakalipas na mga semana ay kulay itim umano ang lumabas sa mga gripo ng mga konsumedores mula sa nasabing watershed na pinangangambahan na baka makaperwisyo pagdting ng panahon.
Hinihintay rin dito ang aksyon ng LGU Paracale sa pamumuno ni Mayor Romeo Moreno na base sa barangay council ng Batobalani ay ilang resolusyon na rin ang kanilang ipinasa sa Sangguniang Bayan pero wala pa umanong tugon hanggang sa ngayon ang lokal na pamahalaan.
No comments:
Post a Comment