Thursday 13 August 2015

LABO DISTRICT JAIL, MULING TINANGHAL NA BEST DISTRICT JAIL SA BUONG BICOL REGION, SEKRETO NG PAGKAKAPANALO ALAMIN!

Muling nasungkit ng Labo District Jail sa pangalawang pagkakataon ang pagiging Regional Best District Jail sa buong Bicol Region.


Taong 2014 ng manguna ang LDJ  sa buong Bicol Region na muling nasundan ngayong taong 2015 bilang Regional Best District Jail sa kabuuang 34 na Manned Jail ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa buong Bicol Region.


Sa panayam ng Balitang Probinsya kay Jail Inspector Freddie T. Caballero II, dating Warden ng LDJ, sinabi nito na ang mga sekreto ng pagkakapanalo ng LDJ sa magkakasunod na pagkakataon ay ang solidong pagsasamahan at pagkakaisa, pagtutulungan ng mga personnel ng LDJ ganun din ang pagpapanatili ng professionalism sa pagtatrabaho lalo na sa pagtrato ng maayos sa mga priso o tinawag nila itong mga residente.


Ang pagkakaroon umano ng ganitong aspeto ay malaking factor sa pag-angat ng isang ahensya.


Maliban pa dito, buhos din ang suporta ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Labo, Camarines Norte sa pangunguna ni Mayor Joseph V. Ascutia at Vice Mayor Severino H. Francisco, NGO’s, mga individuals at iba pang sector  bagay na labis nitong ipinagpapasalamat sa mga patuloy na pagtulong.


Patok din ang livelihood program nito sa mga residente kung saan karamihan sa mga residente ay tumanggap ng starter kit mula sa DOLE, nakapag aral ang iba ng kursong teknikal ng TESDA ganun din ang Alternative Learning Program at iba pang programa sa mga residente na makakatulong sa kanilang pagbabago o reporma mula sa kasalukuyang kinasasadlakan.


Si Caballero ay 11 buwan naging warden ng LDJ simula Agosto 8, 2013 hanggang Hulyo 8, 2014 na hinangaan ng maraming taga Labo dahil sa husay nito sa pamumuno sa nasabing ahensya na nitong nakalipas na Hulyo 1 ay pinarangal s’ya bilang Best District Warden of the Year sa buong Pilipinas.


Sa huli, nagpapasalamat din ito sa kasalukuyang OIC ng LDJ sa katauhan ni SJO4 Arnel Lagatuz dahil sa pagpapanatili nito ng maayos na sistema sa loob at labas ng nasabing piitan ganun din sa mga personnel nito na ngayon ay lalo pang gumaganda ang mga programa.


Matatagpuan ngayon ang LDJ sa sariling pwesto nito sa barangay Masalong, Labo, Camarines Norte na dati’y nasa likod lamang ng munisipyo ng Labo na masikip ang lugar kumpara ngayon na tinawag nilang “MASAYANG TAHANAN”.




No comments:

Post a Comment