Kusang nagpasalubong kay kamatayan
sa pamamagitan ng pagbigti sa puno ng paitik ang isang 24 anyos na binata na
kinilalang si Jomar Godoyo y Lukban, residente ng P-3 Brgy. Benit, Labo,
Camarines Norte kamakalawa ng hapon.
Una rito personal na tumungo sa Labo
PNP ang isang nagngangalang Jocelenda Godoyo y Ulaye, bayaw ng nasabing
nagpatiwakal na binata upang i-report sa mga pulis ang nangyari sa kanyang
bayaw.
Sa inisyal na imbistigasyon,
lumalabas na nagpaalam ang nasabing binata sa kanyang ina upang kumuha ng
panggatong na kahoy sa makahoy na lugar ng nasabing barangay subalit hindi hindi na ito bumalik hanggang
sa matagpuan nalamang ito na nakabitin na sa sanga ng paitik at wala ng buhay.
Sa ngayon hindi pa malinaw ang
dahilan ng pagpapakamatay ng nasabing binata.
No comments:
Post a Comment