Rank no. 1 Municipal Most Wanted Person ng San Lorenzo Ruiz, Municipal Police Station, Camarines Norte ang isang 17 anyos na binata na nahuli kamakalawa sa pinasanib pwersa ng Lupi Camarines Sur PNP , Basud PNP sa Camarines Norte at 5th Regional Public Safety Battalion (RPSB) sa Barangay Sooc, Lupi, Camarines Sur.
Ito ang nabatid ng Balitang Probinsya base sa ipinalabas na ulat ng "Kasurog Bicol Facebook Account ngayong umaga.
Base sa report ng mga awtoridad, ang nasabing 17 anyos na hindi na isinapubliko ang pangalan ay nahaharap sa kasong Kidnapping or Serious Illegal Detention in Relation to Republic Act 7610 "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimanation Act" kung saan walang piyansang inerekomenda ang korte sa nasabing kaso na ngayon ay nasa kustodiya na ng San Lorenzo Ruiz MPS.
Una rito isang warrant of arrest ang ipinalabas ng korte sa sala ni Judge Evan D. Dizon ng RTC Br. 40, Daet, Camarine Norte noong Pebrero 9, 2015 kaugnay sa nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment