Sa panayam ng Balitang Probinysa kay Delia Durante, tagapagsalita ng nasabing tanggapan, sinabi nito na may pag-uusap na umano ngayon ang management ng Canoreco at ang contractor ng sub-station na madaliin na ang pagsasaayos ng 69KV line para mapa energize na ngayon buwan ang nasabing Sub-station.
Susuplayan nito ang tatlong bayan na kinabibilangan ng Labo, Sta. Elena, Capalonga, Camarines Norte.
Kinumpirma rin nito na ang pag-brown out tuwing araw ng sabado sa mga nasabing bayan ay dahil sa patuloy na pagsasaayos ng 69KV line.
Nangako naman ang naturang tanggapan na kapag na mapa energize na ang nasabing sub-station ay mababawasan na ang pag-brown out sa mga lugar na nabanggit.
No comments:
Post a Comment