Kulong ngayon ang isang 53 anyos na padre de pamilya na kinilalang si Sammy Ernesto Quila Jr y Madera, residente ng P-4 Brgy. Bulala, Sta. Elena, Camarines Norte matapos itong maaktuhan ng mga operatiba ng Labo PNP at DENR na nagta-transpot ng tinatayang nasa 133 sako ng uling na kahoy lulan ng isang Fuzo Forward Truck na may plate no. UDS 531 bandang alas 6:30 kaninang umaga sa P-6 Brgy. Tigbinan, Labo, Camarines Norte.
Ayon sa mga awtoridad, walang maipakitang kaukulang dokumento ang nasabing driver dahilan para kanilang itong arestuhin at kumpiskahin ang nasabing mga uling na kahoy.
Sa ngayon ang driver na si Quila ay nasa kostudiya ngayon ng Labo PNP para sa kaukulang disposisyon habang ang mga sako-sako uling na kahoy ay nasa pangangalaga na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Daet.
No comments:
Post a Comment