Thursday 13 August 2015

45 ANYOS NA LALAKI, ARESTADO DAHIL SA ILLEGAL NA PAGTOTROSO, PERO HINDI NA DINALA SA PRISINTO DAHIL SA INIINDANG SAKIT

Arestado ang isang 45 anyos na padre de pamilya na kinilalang si Freddie Mangampo y Rellama, walang trabaho, residente ng Barangay Tible, Sipocot, Camarines Sur dahil sa kasong paglabag sa section 77 ng PD 705 as amended by EO 277-87 and renumbrred by RA 7161 at kasong paglabag sa RA 9175 (Chainsaw Act of 2002.

Naaresto si Mangampo ng pinagsanib pwersa ng Sipocot PNP at 3rd Maneuver Platoon ng CSPPSC na pinamumunuan ni SPO3 Rodolfo Sabaria Metran bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Hon. Roberto A. Escaro, Presiding Judge ng RTC Branch 38, Daet, Camarines Norte noong Oktubre 20, 2014 kaugnay sa nasabing kaso na may 80,000 pesos bbail recommended at 16,000 pesos bail recommended bawat isa para sa pansamantalang kalayaan.

Pero ayon sa mga awtoridad, hindi na muna nila ikinulong ang nasabing suspek dahil sa sakit nitong Pulmonary Tuberculosis kung saan mahina na umano ito dahil sa nasabing sakit.

Nabatid na pang 10 sa talaan ng mga awtoridad bilang Municipal Most Wanted Person sa lugar.

No comments:

Post a Comment