Kalabuso ngayon ang isang 21 anyos
na lalaki na kinilalang si Jerris Tiamson, pansamantalang nakatira sa P-2 Brgy.
Talobatib, Labo, Camarines Norte matapos na positibo itong ituro ng kanyang
biniktima na 14 anyos na itinago nalamang ng mga awtoridad sa alyas na Myra.
Una rito, naaresto ng mga barangay
opisyal ang suspek sa lugar kung saan nakatira ang biktima nitong sabado ng
hapon matapos ituro ng biktima at ituga ang kahalayang ginawa sa kanya ni
Tiamson.
Noong araw din yun ay agad na
dinala ng mga barangay opisyal sa pulisya ang suspek para masampahan ng kaso.
Minabuti naman ng Balitang
Probinsya na wag ng isapubliko pa ang lugar na pinagtitirhan ng biktima ganun
din ang mga pangalan ng mga barangay opisyal na humuli sa suspek para na rin sa
kapakanan ng biktima.
Sa ngayon nahaharap sa kasong Rape
si Tiamson in relation to 7610 na patuloy na humihimas ng bakal na rehas sa detention
facility ng Labo PNP.
No comments:
Post a Comment