Wednesday 19 August 2015

38 ANYOS NA GINANG, ARESTADO DAHIL SA KASONG PAGNANAKAW SA BAYAN NG LABO, CAMARINES NORTE

Kalabuso ngayon ang isang ginang na kinilalang si Rosita Gubat y Villados, walang trabaho, residente ng P-3 Brgy. Dalas, Labo, Camarines Norte dahil sa kasong pagnanakaw o theft na may criminal case no. 15G-8511.

Si Ginang Gubat ay may warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Salvador C. Villarosa Jr, Presiding Judge ng MTC Labo kaugnay  sa nasabing kaso.

Halagang 10,000 pesos naman ang piyansang inilaan ng korte sa kaso ng suspek para sa pansamantalang kalayaan nito na base sa pinakahuling ulat ng Labo PNP ay nakalabas na ito matapos na maghain ng piyansa sa korte.

Naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Labo PNP bandang alas 5:00 ng hapon kahapon sa Burgos St. Brgy. Gumamela, Labo, Camarines Norte.

No comments:

Post a Comment