Tuesday 18 August 2015

DRIVER NG DYIP NA TUMAKAS MATAPOS MAKABANGGA NG TRICYCLE, MAHAHARAP SA KASONG RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO SERIOUS PHYSICAL INJURIES AND DAMAGE TO PROPERTY

Kasong Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injury ang kakaharapin ng driver ng dyip na si Saldy Eneria y Elep ng P-2 Brgy. Tabas, Paracale, Camarines Norte matapos nitong banggain ang isang pampasaherong tricycle sa  P-6 Brgy. Bagacay, Labo, Camarines Norte na nagkalasuglasog ang bubungan ng sidecar nito kahapon na minamaneho ni Loreto Diaz Jr y Harden 38 anyos, residente ng P-2 Brgy. Dancalan, Paracale, Camarines Norte na ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa CNPH.

Ito ang sinabi sa panayam ng Balitang Probinysa kay P/Supt. Geoffrey Fernandez, Acting Chief of Police ng Labo PNP ngayong hapon.

Pero sa halip na sumuko sa mga awtoridad ang driver ng dyip ay mabilis itong tumakas lulan ng kanyang minamanehong dyip na isa ring pampasahero sa hindi mabatid na direksyon.

Maswerte namang minor lamang ang tinamong pinsala ng mga pasahero ng nasabing tricycle na pawang mga istudyante ganun din ang pasahero ng nasabing dyip na naiwan sa pinangyarihan.

Una ng sinabi ng mga pasahero ng dyip at tricycle na mabilis ang patakbo ng driver ng dyip dahilan para maaksidente ito.

No comments:

Post a Comment