Photo Courtesy bu Coco Muchoo |
Isang pampasaherong tricycle ang nagkalasuglasog matapos itong salpukin ng isang pampasaherong dyip bandang alas 12:40 ng hapon kahapon sa may bahagi ng P-6 Brgy. Bagacay, Labo, Camarines Norte.
Sa imbistigasyon ng Labo PNP, binabagtas ng nasabing tricycle na wala paring plate number ang kahabaan ng provincial road mula sentro ng bayan ng Labo patungong barangay Dancalan, Paracale, Camarines Norte ng salpukin ito ng isang rumaragasang pampasaherong dyip na may plate no. DEG 715 na nakarehistro sa isang nagngangalang Adam Fernandez ng P-1 Tabas, Paracale na minamaneho naman ni Saldy Eneria y Elep ng P-2 Brgy. Tabas, Paracale, Camarines Norte na mabilis naman umanong tumakas sa hindi pa malamang direction matapos ang insedente.
Agad naman isinugod ang driver ng tricycle sa Camarines Norte Provincial Hospital dahil sa tinamong pinsala sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan na kinilalang si Loreto Diaz Jr y Harden 38 anyos, residente ng P-2 Brgy. Dancalan, Paracale, Camarines Norte na hanggang ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa nasabing pagamutan.
Maswerte namang minor lamang ang mga tinamong pinsala ng mga pasahero nito na pawang mga estudyante ng Labo National High School.
Ayon sa mga pasahero ng dyip at tricycle, mabilis umano ang paharorot ng ng driver ng dyip dahilan para sumalpok ito sa nasabing tricycle.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng Labo PNP ang nagkalasuglasog na tricycle na inaalam pa ang naging halaga ng pinsala habang patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang driver ng dyip matapos itong tumakas.
Vehicular acident transpired o0a 12:40pm aug 17,2015 at p6. bagacay. labo.cn. involving puj jeep plate n0. DEG 715 own and reg to adam fernandez of p1 tabas.paracale,cn driven by saldy eneria y elep of legal age,jepney driver res of p2 tabas, paracale,cn and 0ne h0nda mc wid side car wid out plate n0.Own and driven by loreto diaz jr y harden, 38yo, tricycle driver, res of p2 dangcalan, paracale, cn. initial invest conducted by the responding police of dis stati0n as per interview to d witnesses disclose dat while d said mc was travelling frm d0wnt0wn labo g0ing to brgy dancalan, paracale, cn and up0n reaching d said place of incident acidentally bump/head on collisi0n by the puj jeep traversing to past c0ming fr0m oposite directi0n.Driver of said tricycle sustain injuries and rush to cnph, daet,cn. driver of said puj jeep was fled away using his vehicle to unkn0wn directi0n, tricycle involved incurred unestimated am0unt of damages and n0w under the custody of this stati0n for proper disp0siti0n.
No comments:
Post a Comment