Tinatayang nasa 1,000 board feet ang nasabat ng mga operatiba ng Paracale Municipal Police Station sa isinagawang pagbabantay sa kahabaan ng Provincial Roads sa barangay Tawig, Paracale bandang alas 4:00 kaninang madaling araw.
Ang nasabing mga kahoy ay lulan umano ng isang truck patungong bayan ng Paracale na minamaneho ng isang nagngangalang Medel Laguador y Villaflores 48 anyos, may-asawa, residente ng P-5 Brgy. Anahaw, Labo, Camarines Norte.
Sa ngayon ang nasabing driver ay nasa kustodiya na ng Paracale MPS ganun din ang mga nasabat na kahoy para sa kaukulang disposisyon.
No comments:
Post a Comment