Thursday 13 August 2015

31 ANYOS NA PADRE DE PAMILYA, KULONG DAHIL SA ILLEGAL NA PANGINGISDA SA PARACALE, CAMARINES NORTE

Nalambat ng mga operatiba ng Paracale PNP ang isang 31 anyos na padre de pamilya na kinilalang si Rolando Rojo y Reyes bandang alas 6:45 kagabi sa P-1 Sitio Matanlang, Brgy. Tawig, Paracale, Camarines Norte dahil sa kasong paglabag sa Fisheries Administrative Order 216 series of 2001 pursuant to section 55 at 103 ng Republic Act 8550.

Halagang 4,000 pesos naman ang inirekomenda ng korte sa suspek para sa pansamantalang kalayaan ng ngayon ay patuloy na humihimas ng bakal na rehas sa detention facility ng Paracale PNP.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest ng ipinalabas ni Hon. Judge Wilfredo Herico ng Municipal Trial Court, Paracale dated June 15, 2015 kaugnay sa nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment