Wednesday 12 August 2015

PCINSP ROMMEL BACHILLER LABARRO NG PARACALE, CAMARINES NORTE, GINAWARAN NG PARANGAL NI PNP CHIEF RICARDO MARQUEZ!

Ginawaran ng parangal si Police Chief Inspector Rommel Bachiller Labarro, Chief of Police ng Paracale PNP ng pagiging Best Police Commissioned Officer in the Field of Police Operation for the calendar year 2014.

Personal na inabot ni Police Director General  Ricardo C. Marquez, Chief PNP ang nasabing parangal kay PCI Labarro kahapon sa pagdiriwang ng 114th Police Service Anniversary na ginanap sa Camp Simeon A. OlA, Legaspi City. (Aug. 11, 2015)

Kasama rin sa nag abot ng parangal kay Labarro si Police Chief Supt. Victor P. Deona, Regional Director ng  Police Regional Office 5.

Sa panayam ng Balitang Probinysa ngayong umaga kay Chief Inspector Labarro, sinabi nito na first time n'yang parangalan ng pagiging Best Police Commissioned Officer for Police Operation na labis n'yang ipinagpapasalamat.

Nagpaabot din ito ng pasasalamat sa mga personnel ng Paracale PNP sa suporta umano ng mga ito sa kanya bilang hepe ng nasabing istasyon.

Ganun din nagpapasalamat din ito kay PSSupt. Harris Fama, OIC Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office, Police Chief Supt. Victor P. Deona sa kanilang PNP Chief na si Police Director General  Ricardo C. Marquez.

Bagamat first time n'ya umanong makatanggap ng nasabing parangal pero lagi naman daw nakakatanggap ng parangal ang kanilang istasyon gaya ng pagkakasungkit nito sa pangalawang pwesto sa pagiging Best Performing PNP sa buong Bicol Region, ganun 6 na beses tumanggap ng Parangal ng Kagalingan na pangalawa sa pinakamataas na parangal na ibinibigay ng PRO5 sa mga mahuhusay na police station at iba pang parangal.

Sa huli, sinabi ni Labarro na focus sila sa pagtatrabaho at pagtupad sa sinumpaang tungkuling maglingkod at protektahan ang mga mamamayan.









No comments:

Post a Comment