Tuloy na tuloy na ang gaganaping Annual General Membership Assembly (AGMA) ng Camarines Norte Electric Cooperative o CANORECO sa darating na Agosto 29, 2015 (sabado).
Mula ala 1:00 ng hapon, gagawing simultaneous o sabay-sabay ang Annual General Membership Assembly sa pamamagitan ng video conferencing sa mga susunod na lugar.
1. Agro Sport Center, Daet Cams. Norte, main venue (dadaluhan ng Daet, Basud, San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Talisay, Vinzons at Coastal Barangay ng Mercedes).
2. Labo Sports Complex, Labo, CN (dadaluhan ng Labo, Jose Panganiban at Paracale)
3. Jimmy P. Lo Sport & Culture Center, Mercedes, CN.
4. Capalonga Gymnasium, Capalonga, CN
5. Sta. Elena Municipal Gymnasium, Sta. Elena, CN.
Dito ay mag-uulat ang lupon at pamunuan ng Canoreco ay mag-uulat tungkol sa operasyon ng kooperatiba sa aspetong pinansyal. teknikal at institusyonal ng nakaraang taong 2014 at iba pa.
Tampok dito ang panunumpa ni ng mga bagong halal na Board of Directors ng District I (Basud) na si Dir. Cesar L. Elizario, District VIII (Capalonga) Dir. Allan V. Ojas at Dir. Juancho A. Gaco ng District V (Talisay/San Vicente).
Bibigyan din umano ng pagkilala ang mga personalidad at institusyon na may mahalagang naiambag sa kooperatiba sa taong 2014.
Ang tema ng palatuntunan ngayon ay "Pagkakaisa At Suporta Tungo Sa Matatag Na Kooperatiba" na inaasahang magiging panauhing pandangal dito ay si G. Wendell V. Ballesteros, General Manager ng PHILRECA o Phil. Rural Electric Cooperative Association, Inc.
Sa huli, ayon sa Canoreco magsisimula ang pagpapatala ng mga miyembro ganap na alas 12:00 ng tanghali kung saan kailangang magdala ng Canoreco I.D na may picture o kahit anumang valid I.D para sa madaliaang pagpaparehistro at pagkakakilanlan.
No comments:
Post a Comment